Poe, Hindi Linabas sa Publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT?

Dismayado si dating Metro Rail Transit General Manager Al Vitangcol kay Senadora Grace Poe dahil umano hindi pinalabas sa publiko ang kopya ng kanyang affidavit na nagsasaad kung anu-ano ang kanyang alam na nangyari sa MRT-3.
Ayon pa kay Vitangcol, itinago raw ito.
“Lahat ng sinabi ko, lahat ng pinalabas ko ay itinago po ito at walang nangyari, pero lahat po ito ay dokumentado…Even during the MRT-3 hearing conducted by the Senate as chaired by Senator Grace Poe, binigyan ko po siya ng kopya ng isang affidavit na nagsasaad kung anu-ano ang mga alam ko na nangyari sa MRT-3. Ito po ba ay lumabas sa publiko? Hindi ito lumabas sa publiko,” sabi ni Vitangcol.
Sinabi rin ni Vitangcol na handa siyang tumestigo pero noong umatend umano siya sa mga pagdinig sa house of representatives at senado ay hindi siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita.
“Ayaw ako pagsalitain. Sasabihin teka muna, just answer the question. Hinintay ko yung tanong, di naman dumarating yung tanong. Ang mga tanong kung ano lang yung gusto nila marinig na sagutin,” dagdag ni Vitangcol
Handa rin umano siyang pangalanan ang lahat ng sangkot rito basta’t bigyan lang siya ng legislative immunity.Kung ito ay proper body, let’s say a proper Senate hearing, tapos tinanong sa akin sasabihin ko: Ito pong si Mr. A ay magnanakaw — but give me first an immunity bago ko sabihin yan. Lahat ng sasabihin ko during that particular forum walang pwedeng magkaso,” sabi ni Al Vitangcol

Poe, Hindi Linabas sa Publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT? Poe, Hindi Linabas sa Publiko ang dokumentadong Korapsyon sa MRT? Reviewed by Unknown on 8:17 AM Rating: 5

No comments