Hontiveros to Aguirre: Nagluluto ng Pekeng Balita at Kaso, Mag-Resign Kana






Nanawagan ngayon si Senadora Risa Hontiveros kay Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II na magbitiw na ito sa puwesto. Ito ay matapos na mabalitaan ng senadora na binasura ng ilang prosecutor ng DOJ ang kaso laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Marcelo Adorco at iba pang high profile drug personalities.
“Calling for Mr. Aguirre’s resignation is only appropriate. However, at this point, Mr. Aguirre’s firing and/or resignation, like the reports that the President allegedly punched a wall in Malacañang out of anger over the dismissal of complaints against alleged drug lords, would be nothing but a desperate PR (public relations) move from the government to shore up support for its discredited drug war,” sabi ni Hontiveros
“What is needed now is a radical overhaul of our judicial system to rehabilitate it from the damage caused by Mr. Aguirre and the government’s bloody anti-drug campaign,” dagdag pa ng senadora.
Sinabi rin ng senadora na kayang iwasto at i-reverse ng DOJ secretary ang ginawa ng kanyang mga prosecutors.
“May kapangyarihan si Sec, Aguirre na iwasto, i-reverse ang ginawa ng kanyang mga prosecutors at ‘yun ang hinihintay kong gawin niya,”. pahayag ng senadora.
Sa kabila ng panawagan ng senadora na mag resign na si Aguirre ay may alegasyon rin ito tungkol umano sa tinawag niyang “Personal kitchen” ng DOJ secretary.
Sa kanyang pagbubunyag, dito umano niluluto ang mga pekeng balita at pekeng mga kaso. Sinabi rin niya na dito rin niluto ang mga kasong nabasura laban sa mga druglord.
“Doon niya niluluto ang mga pekeng balita at pekeng kaso laban sa oposisyon. Doon din niya nilutong ma-abswelto ang mga mamamatay tao, big-time plunderer at drug peddler,” sabi ni Hontiveros.
Hontiveros to Aguirre: Nagluluto ng Pekeng Balita at Kaso, Mag-Resign Kana Hontiveros to Aguirre: Nagluluto ng Pekeng Balita at Kaso, Mag-Resign Kana Reviewed by Unknown on 4:19 AM Rating: 5

No comments