VIRAL: Netizen Pinost ang Larawan ng Isang Pulubi sa Simbahan Na Nagdarasal, Nanawagan sa Mga Kamag-anak Nito
Ilan na lang ba ang dumadaan at pumupunta sa simbahan kada linggo para magpasalamat sa mga biyaya ng Panginoon sa atin? Sa bilis ng panahon, marami na marahil sa atin ang nakakalimot dumaan saglit sa simbahan para magpasalamat. Marahil ang iba ay nagpupunta sa simbahan para humiling ng bagay para sa kanila o para sa ibang tao.
Marahil, ito na din ang pagkakataon ko para ma-ishare ko sa inyo ang napupuna ko sa ating mga simbahan ngayon.
Isa po akong deboto ng The National Shrine of St. Jude Thaddeus sa may Mendiola, kada Huwebes ako ay nagsisimba at nagnonobena. Ngunit, matapos ang mga isyu ng Simbahang Katoliko na kinasasangkutan ng mga pari laban sa pamahalaan ay unti-unti na ang nagsisimba at nagnonobena kada Huwebes. Sadyang napakalungkot isipin dahil sa pagkakasangkot ng simbahan sa mga isyu ng bansa at pagtuligsa sa layunin ng ating Pangulo Duterte, nababawasan na ang mga taong nagpupunta sa simbahan.
Kaya naman, nakakatuwang isipin kahit na ganun ang nangyayari ngayon sa ating bansa sa pangingielam ng simbahan sa paksang pulitika ay meron pa din iilan ang nagpupunta sa simbahan. Kagaya na lang ng isang pulubi na makikita niyo sa larawan na kuha ng isang netizen mula sa Davao, ayon kay Giselle Ann Barong pinost niya ang larawan sa kanyang Facebook ng isang pulubi na nakaluhod at tila humihinge ng biyaya sa Panginoon para manalangin at idulog sa ating Panginoon ang kanyang mga daing at pasasasalamat sa buhay.
Matapos mai-post ni Barong ang naturang larawan ay nainspire na din ang iba na ibahagi ang larawan.
Sa katunayan, ginawan pa ito ng isang istorya ng kilalang Facebook page na "DJ Kalogs Story" at ang sabi sa post na ang naturang pulubi ay madalas niyang bigyang ng 100 piso sa simbahan sa may Cubao na sa tuwing bibilhan niya ito ng pagkain ay nawawala, ayun pala ay nasa simbahan at nagpapasalamat sa biyaya natatanggap ng pulubi.Nakakatuwang isipin na kahit hindi maayos ang damit ng naturang lalake, hindi siya nahihiyang pumasok sa simbahan at manilukhod manalangin sa Panginoon upang magpasalamat at idulog ang kanyang kahilingan.
Kung sino man ang kamag-anakan ng naturang lalake na nasa larawan, sana matulungan siya maibalik sa kanyang pamilya. Marahil yun ang parati niya dinadalangin kada magdarasal siya sa simbahan.
VIRAL: Netizen Pinost ang Larawan ng Isang Pulubi sa Simbahan Na Nagdarasal, Nanawagan sa Mga Kamag-anak Nito
Reviewed by Unknown
on
8:14 PM
Rating:
Post a Comment