P5 para sa kasal ginastos ng bata, pinatay sa bugbog at bali ng buto

P5 para sa kasal ginastos ng bata-pinatay sa bugbog at bali ng buto
GENERAL SANTOS CITY – Mga pasa sa katawan at nabaling parte ng buto ang natamo ng isang musmos sa Barangay Fatima, General Santos City.
Ito’y matapos umano binugbog dahil sa P5 na para sa kasal na ginastos ng biktima. Ito rin ang itinurong rason sa pagkamatay ng 4-anyos na batang lalaki, iginiit naman na hindi totoo ang pangyayaring ito sa ina ng bata na si Zera Joy Bravio.
Giit pa niya, hindi niya sinaktan ang anak, hinampas lang umano niya ang kamay nito at hindi binugbog.
Laking gulat na lang daw niyang may mga pasa ang 4-anyos na bata sa katawan. Magka-pareho rin ng pahayag ang stepfather nito, na hindi nila alam ang rason sa pagkamatay ng biktima.
Ayon naman sa panayam kay PS/Insp. Fernando Manuel Jr., hepe ng Fatima Police Station, nakipag-usap na sila sa mga magulang ng bata ukol sa insedente at iniimbestigahan na sa ngayon.
Hinintay na lang nila ang resulta sa doktor na siyang nag-asikaso para malaman ang rason kung bakit namatay ang biktima.
May nakita kasi ang doktor na mga pasa sa katawan na posibleng mula sa pambubugbog.Samantala, ipinasa na sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang karagdagang imbestigasyon.

P5 para sa kasal ginastos ng bata, pinatay sa bugbog at bali ng buto P5 para sa kasal ginastos ng bata, pinatay sa bugbog at bali ng buto Reviewed by Unknown on 6:15 PM Rating: 5

No comments