Mag-ina walang pamasahe, nalaglag, pinalipat ng bus ng galit na kundoktor

Ina-upload ng netizen na si Dave Villanueva ang kanyang cell phone video footage sa kanyang account nitong Sabado ng gabi na nagpapakita sa isang ginang na hindi makabangon sa kanyang pagkakalugmok sa kalsada dahil sa tinamong pinsala habang karga-karga naman ng isang nagmagandang-loob na lalaki ang kanyang anak na babae.
May caption ang FB post na: “Grabe yung mag-ina, nalaglag sa bus bandang Ayala. Pinalipat daw ng kundoktor kasi walang pambayad. Buti na lang safe yung baby, pero yung nanay niya, lagapak ang mukha sa semento.”
Makikita sa video ang konduktor ng bus na tila galit at hinahampas ang gilid ng sinasakyan niyang Mayamy Trans at biglang tumakbo nang may isang lalaki ang magtangkang lumapit sa kanya.
Umani na ito ng higit sa 11,000 emoticons ang video, higit sa 3,700 na komento at higit 42,000 shares.
Marami sa mga komento ng netizen ay kumukondena sa inasal ng konduktor at driver ng bus na dapat ay pinagbigyan na umano ang mag-ina, habang may mangilan-ngilan na nagsabi na kung walang pamasahe ay dapat magpaalam muna sa konduktor.
 
Mag-ina walang pamasahe, nalaglag, pinalipat ng bus ng galit na kundoktor Mag-ina walang pamasahe, nalaglag, pinalipat ng bus ng galit na kundoktor Reviewed by Unknown on 7:45 PM Rating: 5

No comments