Kamakailan lang ay nagviral ang post ng isang OFW na si Jovinal dela Cruz tungkol sa kanyang reklamong nawawalan siya ng mga gamit sa Clark International Airport. Ang post ni Jovinal ay umabot na sa Milyong views sa Facebook na dahilan kung bakit na aksyonan agad ito. Ang mga suspek sa pagnanakaw ay nahuli at binigyan ng karampatang parusa.Isa lamang yan ang problema sa lahat ng paliparan sa bansa. Kaya naman nakaisip itong si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na gumawa na lamang ng ‘Duterte Action Desks’ sa lahat ng major airports sa buong bansa.Ayon kay Recto, ang nabanggit na presidential action desk ay magsisilbing “on-the-spot troubleshooting center” para sa anumang problema ng mga pasahero sa mga paliparan. Sa tingin ni Recto, ito raw ang madaling paraan para maipaparating agad kay Pangulong Duterte ang mga kalokohan sa mga paliparan.Ang mungkahi ni Recto ay sagot din sa mga kaso ng pagnanakaw sa bagahe ng ilang airport passengers tulad ng nangyari kay Jovinal dela Cruz.
Naniniwala si Recto na ang paglalagay ng desk na may presidential seal ay isang matinding babala laban sa mga nagnanais gumawa ng kalokohan sa mga paliparan.
Post a Comment