10-anyos nahalay, ina dalawang beses pinagtangkaan ng sabog na anak


Kuwento ng ginang, pinagbantaan umano siya ng anak hawak ang isang kutsilyo habang binababa ang kaniyang shorts.
Una na aniya siyang sinubukang galawin ng bata nitong nakaraang taon habang siya ay natutulog.
“Ibinuka po niya shorts ko. Sabi ko, anong ginagawa mo? Sabi niya sa akin, ‘Ma, isa lang.’ Akala ko nga pera ang hinihingi niya,” dagdag ni Clara.
Nitong Lunes ng gabi lang din nalaman ng ginang na hinalay pala ni Karlo ang kaniyang 10-taong-gulang na babaeng kapatid.
Pinagbantaan din umano ni Karlo ang bata kaya nakapagsumbong lamang ito nang magtungo sila sa mga barangay official.
Umamin naman ang binatilyo na gumamit siya ng ilegal na droga.
“Nakapag-shabu po ako. Nasobrahan lang po siguro. Pasensya na po,” sabi ni Karlo.
“Nahihiya po ako. Nagsisisi po ako. Nakainom lang po ako kaya nagdilim paningin ko,” dagdag niya.
 

10-anyos nahalay, ina dalawang beses pinagtangkaan ng sabog na anak 10-anyos nahalay, ina dalawang beses pinagtangkaan ng sabog na anak Reviewed by Unknown on 3:21 PM Rating: 5

No comments