Suspek sa Pagpaslang sa mag-ina sa Cavite, Humingi ng Tulong sa PAO

Kusang sumuko sa Eastern Samar police si Ruel Galvan Cabatingan, na umano'y kababata at karelasyon ng napaslang na ginang, ayon kay Senior Supt. William Segun, hepe ng Cavite police. Inamin ng suspek na siya ang pumaslang kay Ruby Gamos at 7-taong-gulang nitong anak, pero hindi pa malinaw kung bakit niya ito nagawa, sabi ng mga pulis.
"Ang sinabi niya, he did it, pinatay niya iyung dalawa by choking," sabi sa DZMM ni Senior Supt. Tranquilino Araral III, hepe ng Eastern Samar police.
Disyembre 11 nang matagpuan ang bangkay ng mag-ina sa loob ng kanilang bahay sa General Trias, Cavite.Humingi rin ng tulong sa Public Attorney's Office (PAO) ng Region-8 si Cabatingan pero hindi na pwede dahil maging conflict of interest na ito sabi ni PAO Chief Atty. Persida-Acosta dahil nauna nang lumapit ang asawa ng biktima na si Marlon Gamos.
 
Suspek sa Pagpaslang sa mag-ina sa Cavite, Humingi ng Tulong sa PAO Suspek sa Pagpaslang sa mag-ina sa Cavite, Humingi ng Tulong sa PAO Reviewed by Unknown on 6:13 PM Rating: 5

No comments