The Story of the 5 Presidents.

Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilangJoseph Ejercito Estrada, o Erap[1] ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong 5 Abril 1947) ay ang ika-14 na Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (20 Enero 2001 – 30 Hunyo 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.


Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabing-dalawangPangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Hunyo 1992 – 30 Hunyo 1998).
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ngIntegral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol                                
Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) higit na kilalá sa paláyaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Hunyo 30, 2010 hanggang Hunyo 30, 2016).

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte[6](ipinanganak noong Marso 28, 1945), kilala rin sa kanyang bansag na Digong, ay isang Pilipinong abogado at pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bilang ika-16 na Pangulo ng Pilipinas.[7][8][9] Siya ang unang naging pangulo na mula saMindanao.[10]
Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at naging alkalde ng Lungsod ng Davao, isang "highly urbanized city" sa kapuluan ng Mindanao nang pitong termino, o mahigit 22 taon. Nagsilbi rin siyang bise-alkalde at kongresista ng lungsod.


The Story of the 5 Presidents. The Story of the 5 Presidents. Reviewed by Unknown on 3:34 AM Rating: 5

No comments