Story of our new president of the philippines
Si Rodrigo Roa Duterte (ipinanganak Marso 28, 1945 sa Maasin, Leyte) ay isang Pilipinong abogado at politiko na kasalukuyang nanunungkulan bilang ika-16 na Presidente ng Pilipinas. Siya'y nanumpa sa bagong katungkulan noong Hunyo 30, 2016.
Nagsilbi siyang alkalde ng Lungsod ng Davao sa loob ng pitong termino o higit 22 taon. Siya ay unang inihalal noong 1987 at dalawang beses muling nahalal. Siya ay umalis sa opisina dahil sa limitasyon sa termino at naging isang kinatawan para sa unang distrito ng Lungsod ng Davao sa Maynila mula 1998 hanggang 2001. Nang taong iyon, siya ay tumakbo muli sa pagka-alkalde sa Davao at matagumpay na nakuhang muli ang puwesto. Noong 2004, siya ay muling nanalo bilang alkalde sa panibagong termino. Ayon sa listahan ng “most trusted individuals” ng Reader's Digest noong 2010, ika-lima si Duterte sa mga politikong Pilipino na kabilang.
Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte, ang antas ng krimen sa Davao ay sukdulang bumaba, sa punto na ang pulong ng lokal na turismo ay maaaring ipahayag ang lungsod bilang "pinaka-mapayapang lungsod sa Timog-silangang Asya." Binansagang "The Punisher" ng Time Magazine, paulit-ulit na kinundena ang alkalde ng ilang lokal na mamamayan at ng Amnesty International dahil sa pagkakaroon at maging pagpapahintulot sa mga maliliit na kriminal (madalas ay kabataan na nadadawit sa krimen tulad ng paggamit ng bawal na gamot at pagnanakaw) na patayin ng death squads.
Story of our new president of the philippines
Reviewed by Unknown
on
8:00 PM
Rating:
Post a Comment