9000 Barangay Captains na Pasok sa Narco-list, Sisibakin

Umaabot sa 90,000 na kapitan ang nangangambang masibak dahil naisama ang kanilang mga pangalan sa narco-list ni pangulong Rodrigo “Rody” Roa Duterte. Ayon ito kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño.
Ayon kay Diño, wala umanong forever sa barangay. Dagdag pa nito na gagalawin raw ito ng DILG dahil desidido ang pangulo sa isyu na ito.
“Desidido si president. Hawak niya 9,000 na barangay captains directly involved 9,000 na kapitan. Definitely gagalaw na ang DILG most especially sa issue na ‘yan,”

Banta pa ng DILG Undersecretary na tatanggalin niya umano ang mga ito at gustong kasuhan. Kahilingan din ni Diño na dapat mabulok sa kulungan ang mga ito.
“Hindi lang ilalabas, tatanggalin ko na lang sila, mas gusto kong makasuhan, mabulok sila sa kulungan dahil, unang-una, pinagkatiwalaan sila ng mga tao tapos ganito gagawin nila, magmamalabis sila,”
Binalaan din ni Diño ang mga barangay opisyal na kung mabibigong magsumite ng kani-kanilang listahan ng mga drug watch-list sa Marso 21 ay mahahantong sa sibakan.
“Tama ang ating chief of PDEA. Ang mga hindi magsa-submit dito, ‘yung mga directly involved. Kailangan within a week mag-submit sila kung hindi sila magsa-submit, warning. On the second week, suspension na. On the third week, subject for removal from office,”




9000 Barangay Captains na Pasok sa Narco-list, Sisibakin 9000 Barangay Captains na Pasok sa Narco-list, Sisibakin Reviewed by Unknown on 7:08 AM Rating: 5

No comments