Youth Sector, Suportado ang Pagtanggal ng Scholarships sa mga “WALK-OUT STUDENTS”

Suportado ng Youth Sector ang sinabi ni pangulong Duterte na tanggalan ng Scholarships ang mga mag-aaral na sumasama sa rally laban sa pamahalaan.
Ayon sa Duterte Youth Movement, mas gugustuhin umano nilang hindi na isama pa sa scholarship ang mga estudyante na parating nasa kalye para mag protesta at kalabanin ang kasalukuyang Administrasyon.Panawagan naman ni Youth Chairman Ronald Cardema sa Duterte Gov’t ay dapat alisin sa listahan ang mga estudyanteng ito na hindi naman pumapasok sa paaralan at madalas pa na nakikita sa rally.
Dagdag pa nito na dapat arestuhin ng law enforcement agencies ang ilang kabataan na nananawagan na pabagsakin ang Duterte Administrasyon.
Tama lang din umano ang pahayag ni Pangulong Duterte na palitan ang mga ito ng mga kabataang matatalino na walang kakayahang pinansyal.
Apela ito ni Cardema kaugnay sa ikinakasa ng mga youth leaders na sumusuporta kay Joma Sison na kilos protesta sa buong buwan ng Pebrero.


Youth Sector, Suportado ang Pagtanggal ng Scholarships sa mga “WALK-OUT STUDENTS” Youth Sector, Suportado ang Pagtanggal ng Scholarships sa mga “WALK-OUT STUDENTS” Reviewed by Unknown on 1:55 AM Rating: 5

No comments