Rep. Gary Alejano, Pinahamak ang mga Kakampi Dahil sa ‘Warship Deal’?

Noong nagdaang araw lamang ay naging laman sa socila media, mainstream media at ilang online site ang pamimilit ni Quezon City Representatives Gary C. Alejano na imbestigahan ang pangingialam umano ni Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go sa Warship Deal ng Philippine NavySa naging ulat ng TV Patrol noong January 17, dito ibinunyag ni Alejano ang mga dokumento na nagpapatunay umano na si Bong Go ay nakialam dito.
Sa dokumento na pinakita ng kongresista na may petsang January 12 2017, Makikita dito sa kanang bahagi ang sulat kamay ni Secretary of National Defense Delfin Lorenzana para kay former Navy chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado. Ang sabi sa sulat na ito, galing kay Sec. Bong Go ang dokumento na ito.
Screenshot from ABS-CBN News Youtube video report.
Agad naman nagbigay ng reaksyon si Lorenzana dito at pinagtanggol si Go, Ayon kay Lorenzana, siya umano ang nagsulat at hindi si Go.
Ganun rin ang paliwanag ni Mercado, never umano sila nag usap ni Go tungkol sa Warship Deal na ito.
Naglabas naman ng sama ng loob si Go dahil sa pagdawit ng kanyang pangalan sa isyu na ito.
“My name has been unfairly dragged in this issue. I am not privy to the frigate transaction of the DND. I have never seen the controversial document (white paper) that is alleged to have come from me, much less, handed the same to SND Lorenzana. In fact, I will resign if it can be proven that I intervened. It should be emphasized that the frigate project was already a done deal in 2016 during the time of former Pres. Aquino.” sabi ni GoPero si Alejano ay pilit na paiimbestigahan si Go tungkol dito. Dahil nga sa pamimilit nito ay pinatulan na siya ng palasyo at handa na silang imbestigahan ang tungkol sa isyu na ito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handa na umano silang imbestigahan ang tungkol sa isyu na ito at nagpasalamat pa ito kay Alejano.
“Congressman Alejano, Salamat po! Dahil sa inyong mga sinabi, iimbestigahan na po namin ang inyong mga kakampi.” sabi ni Roque.
Dagdap pa ni Roque, ang kanilang iimbestigahan umano ay ang mga dating opisyal ni Noynoy Aquino na sangkot sa anomalyang ‘Warship Deal’ na ito. Paliwanag ng Presidential Spokesperson, panahon pa umano ni Noynoy nang mangyari ang bidding kaya labas na dito ang mga bagong opisyal na itinalaga ni pangulong Duterte.
Paki-usap lang ng palasyo kay Alejano ay dapat huwag itong tuminag sa kanilang gagawin na imbestigasyon. Baka kasi kapag malaman nito na kakampi niya ang iimbestigahan ay biglang manahimik ito.
“Uulitin ko po, sila po ang nagpa-bid, sila ang namili kung sino mananalo diyan sa bid. Kung totoo na block listed yung binigyan nila ng kontrata, dapat managot yung mga opisyalis ng nakalipas na Administrasyon at sabihin sa atin bakit naging ganun ang kanilang desisyon.” sabi ni Roque.
Uulitin ko po, done deal na yan nang pumasok ang gobyerno (Duterte Gov’t).” dagdag pa ni Roque.


PANOORIN ANG VIDEO:
Rep. Gary Alejano, Pinahamak ang mga Kakampi Dahil sa ‘Warship Deal’? Rep. Gary Alejano, Pinahamak ang mga Kakampi Dahil sa ‘Warship Deal’? Reviewed by Unknown on 4:25 AM Rating: 5

No comments