Nakatakdang umuwi ng Pilipinas ngayong buwan ang 800 Undocumented OFWs mula sa Kuwait
Matatandaang noong Enero 19, 2018, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon ng pagproseso ng mga bagong overseas employment certificates para sa mga nais magtrabahosa Kuwait. Ito’y habang gumugulong ang imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW doon at nanatili naman ang deployment ban sa naturang bansa hangga't hindi nalalaman ang totoong sanhi ng pagkamatay ng 7 OFWs kabilang na ang kaso ni Joanna Daniela Demafelis.
Ito ay mabilis inaksyonan ng ating Pangulo at ngayong Pebrero nakatakdang umuwi sa Pilipinas ang 800 undocumented overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait. Bukas Pebrero 11, nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang nasa 400 na OFWs, sa Pebrero 12 nasa 150 at 250 namang ang darating sa Pebrero 13.
Ito ay kinompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Sarah Lou Arriola. Ito ay matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III para sa repatriation ng OFWs na nagnanais umuwi mula sa Gulf state sa loob ng 72 hours dahil na din sa sunod sunod na pagkamatay ng ilan nating kababayan doon.
“So everyone who wants to come home, I said to Secretary Bello, those who want to be repatriated, with or without money, I will ask PAL and Cebu Pacific to provide the transportation. I want them out of the country those who want to go out in 72 hours,” wika pa ng Pangulong Duterte.
Ayon sa ating Pangulo, mahalaga ang bawat oras ng buhay ng mga Pinoy sa labas ng bansa lalo na ang mga nakakaranas at naging biktima ng pang-aabuso at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang mga amo.
Pinatutsadahan nya din ang mga naranasan ng mga OFW sa kamay ng kanilang employers sa Kuwait at Middle East.
“We will count our lives by the hours because apparently, every hour, there is a suffering and agony, brutality committed by Filipinos,” paliwanag pa ng chief executive.Nakapag book na din ang gobyerno ng tickets para sa mga OFW boluntaryong gustong umuwi ng bansa, kakausapin din ng ating Pangulong Duterte ang Philippine Airlines at Cebu Pacific para maging transportasyon ng mga OFW. Inaasahan ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga OFW matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte.
Nakatakdang umuwi ng Pilipinas ngayong buwan ang 800 Undocumented OFWs mula sa Kuwait
Reviewed by Unknown
on
5:59 PM
Rating:
Post a Comment